Munting saranggolang
tingting at palara:
sumasayaw-sayaw,
sumisirko-sirko,
ang paglisan ay
‘sing pait ng
pising nalagot.
(para sa mga kapwa manunulat na sina: gina, mo, pau, amie, lily ann, cathy, myla, jerome, ana, ronnie, ron, kiko, john, at sa aming mga mentor: sina ma'am ofie dimalanta, sir lito, carlomar, sir jun, sir mike, sir caloy, at iba pang mga panelists ng 8th UST writers workshop. bakit mas mahaba pa ang dedication kaysa sa tula??? Bakit???)